Git
Chapters ▾ 2nd Edition

10.9 Mga Panloob ng GIT - Buod

Buod

Sa puntong ito, dapat ay may magandang pag-unawa ka na kung ano ang ginagawa ng Git sa background at, sa ilang antas, kung paano ito ipinatupad. Ang kabanatang ito ay sumasakop ng ilang bilang ng mga utos sa pag-plumb — ang mga utos na mas mababa at mas simple kumpara sa mga porselanang mga utos na iyong natutunan sa kabuuan ng aklat. Sa pamamagitan ng pag-intindi kung paana gumana ang Git sa mababang antas dapat mapadali nito ang pag-intindi kung bakit nito ginagawa ang ginagawa nito at ang pagsulat mo rin ng iyong sariling mga kasangkapan at mga script na tumutulong upang paganahin ang iyong partikular na workflow.

Ang Git bilang isang filesystem na maaaring i-address ang nilalaman ay isang makapangyarihang kasangkapan na madaling gamitin higit pa sa VCS. Umaasa kami na maaari mong gamitin ang iyang bagong kaalaman sa panloob ng Git upang maipatupad ang iyong sariling nakakamanghang application sa teknolohiyang ito at maging mas komportable sa paggamit ng Git sa mas mataas na antas na paraan.

scroll-to-top