Git
Chapters ▾ 2nd Edition

A3.6 Appendix C: Mga Kautusan ng Git - Pagsisiyasat at Paghahambing

Pagsisiyasat at Paghahambing

git show

Ang git show na utos ay maaring magpapakita ng bagay ng Git sa pamamagitan ng simple at sa paraang nababasa ng tao. Sa pangkaraniwan ito ay nagagamit mo para mapakita ang impormasyon tungkol sa tag o sa commit.

We first use it to show annotated tag information in Annotated na mga Tag. Una nating ginamit ito para ipakita ang impormasyon ng nalagyan ng anotasyon na tag sa Annotated na mga Tag.

Pagkalipas medyo ginamit natin ito sa Pagpipili ng Rebisyon para ipakita ang mga commit na may iba’t ibang mga seleksyon ng pagbabago na ating nalutas.

Isa sa mga kawili-wiling mga bagay na pwede nating gawin gamit ang git show ay sa Manual File Re-merging para kunin ang mga tukoy na nilalaman ng file sa iba’t ibang mga stage sa panahon ng magkasalungat na merge.

git shortlog

Ang git shortlog na utos ay ginamit para gumawa ng buod sa output ng git log.

Ito ay maraming mga opsyon na magkakapareha sa git log na utos pero imbes na ilista ang lahat ng mga commit ito ay maghahandog ng buod sa mga commit na grupo sa pamamagitan ng may-akda.

Pinakita natin paano gamitin ito para gumawa ng magandang changelog sa The Shortlog.

git describe

Ang git describe na utos ay ginamit para kunin ang kahit na anong paglutas sa isang commit at gumagawa ng isang string na nababasa ng tao at hindi ito magbabago. Ito ay isang paraan para kunin ang paglalarawan ng isang commit na hindi malabo kagaya ng commit na SHA-1 ngunit mas naiintindihan.

Ginamit natin ang git describe sa Generating a Build Number at Preparing a Release para kumuha ng string para pangalanan ang ating pinakawalang file.

scroll-to-top